-- Advertisements --
simcard

Sa huling araw ng pagpaparehistro ng SIM, inihayag ng National Telecommunications Commission (NTC) nitong Martes na ang bilang ng mga nakarehistrong mobile phone subscriber identification modules (SIMs) ay napakalayo sa target range ng ahensya.

Ang mga nakarehistrong SIM ay umabot sa 105,260,340, na katumbas ng 62.5% ng kabuuang 168,016,400 na mga subscriber.

Sinabi ni NTC Deputy Commissioner John Paulo Salvahan na target ng ahensya na makapagrehistro ng 100 milyon hanggang 110 milyong mobile subscribers.

Aniya, naabot na ang lower part ng target ngayon kaya wala nang extension ng pagpaparehistro ng mga aktibong SIM cards.

Noong nakaraang linggo, nanindigan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa deadline at sinabing wala nang extension at agad na mawawalan ng koneksyon ang mga hindi rehistradong SIM sa ganap na alas-12:01 a.m. sa Hulyo 26.

Muling iginiit ni Salvahan na hanggang alas-11:59 ng gabi lamang ang pagpaparehistro ng SIM ngayong araw.