-- Advertisements --
Bigong makuha ng long distance runner ng bansa ang gold medal sa 5,000 meter run sa ika-apat na araw ng athletic events na ginaganap sa athletic stadium sa New Clark City, Capas, Tarlac.
Nagtapos sa ikatlong puwesto ang pambato ng Pilipinas na si Sonny Montenegro Wagdos (13.34.73) sa naturang event.
Bagamat pumapangalawa ito sa huling 200 meters ay naabutan siya ni Van Lai Nguyen (14:32:42) para sa silver medal.
Pero ito naman ay maituturing na seasons best para kay Wagdos.
Gold medalist naman dito si Kieran Tuntevate mula sa bansang Thailand (14:31:15).