-- Advertisements --

NAGA CITY – Nagtamo ng tama sa iba’t ibang parte ng katawan ang isang 68-anyos na lolo matapos itong pagtatagain sa bayan ng Bombon, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Regorio Oriviana, 68, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) napag-alaman na habang nasa kanyang sakahan ang biktima at nagtatanim ng mais ng dumating ang suspek na kinilalang si Rogelio Broqueza, 51.

Base sa imbestigasyon, bigla na lamang umanong pinagtataga ng suspek ang biktima gamit ang isang itak.

Agad naman umanong naisugod sa ospital ang biktima para sa paunang lunas habang kusa naman umanong sumuko sa mga otoridad ang suspek.

Sa ngayon nag papatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hingil sa nasabing krimen.