-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Kakasuhan ng pulisya ng parricide ang dalawang anak at limang apo sa piskalya dahil sa umano’y pagtulungan nila na susunugin-patay ang sariling 84 anyos na lola sa Sitio Palipi,Barangay Baliwagan,Balingasag,Misamis Oriental.

Kinilala ni Balingasag Police Station commander Maj Teodoro De Oro ang biktima na si Teofila Cabusas na residente sa lugar,

Inihayag ni De Oro na nagkasundo umano ang magkapatid na sina Nicolas Cabusas at Jocelyn Cabusas-Ercilla na sunugin ang kanilang ina ayon sa pag-uutos ng apo na si Crisanto Ercilla dahil pumasok umano sa katawan nito ang kaluluwa sa matagal ng namatay na si Philippine Bennovolent Christian Missionary founder Master Tomas Eugenio.

Kabilang sa kakasuhan ngayong araw ay ang kapatid ni Cristanto na si Russel at maging ang kanilang mga pinsan na sina Remier at Charlie Cabusas na bahagi sa bumuhat sa biktima upang ihagis patungo sa naglilibya na apoy.

Una rito,ipinag-utos pa ni Crisanto na matapos sunugin ang kanilang lola ay pinaliguan pa nila ito sa ilog upang pagpapasayawin dahilan na mabilis humingi ng tulong ang iba na mga kaanak nila sa PNP para mahinto na ang karumal-dumal na kremin.

Naniniwala ang pulisya na grupo ng bagong ‘kulto’ ang mga suspek dahil gumagamit ng ilang salitang Latin at hindi rin basta-bastang kumain at magpalit ng mga damit sapagkat sila’y naniniwala na marumi ang mga ito.