NAGA CITY – Patay ang isang 67-anyos na lola matapos na mabundol ng isang motorsiklo sa Brgy. Binulasan Infanta Quezon.
Kinilala ang biktima na si Alicia Nolledo, residente ng nasabing lugar.
Ayon sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), binabaybay ng suspek na si Noriel Vargas, 25, ang kahabaan ng kalsada papunta sa Infanta Town Proper nang aksidente nitong mabangga si Nolledo.
Nabatid na papunta sa kabilang direksyon ng kalsada sana ang biktima ngunit hindi ito napansin ng suspek dahil sa lakas ng buhos ng ulan.
Nabundol ang matanda, na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan.
Agad naman ang mga itong isinugod sa pinakamalapit na ospital pero habang ginagamot ay binaiwan ito ng buhay.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hingil sa nasabing insidente.