-- Advertisements --

Sinisingil ngayon ni YouTuber Logan Paul si retired boxing champion Floyd Mayweather Jr.

Sinabi ni Paul na mayroon pang $3-milyon na kulang na bayad ang boksingero ng sila ay magharap noong Hunyo 2021.

Sa kaniyang podcast sinabi nito na wala pa itong natatanggap na bayad mula noong exhibition fight niya kay Mayweather.

Bukod pa dito ay naniniwala siya na nagwagi ito sa laban nilang dalawa.

Base kasi sa usapan nila ay dapat mapatumba siya ng walong round subalit hindi ito naisakatuparan kaya nararapat na kilalanin na siya ang nagwagi.

Noong Enero kasi ay muli niyang kinalampag si Mayweather dahil sa hindi pa ito nababayaran.

Si Mayweather ay nagretiro na sa boxing noong 2017 at mula noon ay nagsasagawa na lamang siya ng exhibition fight.