-- Advertisements --

Tiniyak ng Makati City government ang ayuda para sa mga lugar na isinailalim sa lockdown, dahil sa mataas na bilang ng tinamaan ng COVID-19.

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, tatlong araw ang itatagal ng lockdown na nagsimula na kaninang madaling araw.

Kabilang sa mga apektado ng paghihigpit ang dalawang zones ng Barangay Pio del Pilar.

Kasama sa mga lugar na ito ang Zone 1: Mayor Street, Jerry St., Cuangco St. at M. Reyes St.

Habang sa Zone 2 ay kabilang naman ang Arguelles St., Apolinario St., Calhoun St. at Evangelista St.

Ang localized enhanced community quarantine (LECQ) ay magtatapos sa Marso 16, 2021.

Sa kasalukuyan, may 12,339 COVID-19 cases na sa Makati City.

Sa naturang bilang, 11,140 na ang gumaling, 440 died at 759 ang kasalukuyang nilalapatan ng lunas o active cases.