-- Advertisements --

ROXAS CITY – Iniimbestigahan na ng militar ang ulat hinggil sa ilang local government officials sa Western Visayas na sumusuporta umano sa New People’s Army (NPA).

Ito ang kinumpirma ni 3rd Infantry Division-Philippine Army spokesperson Capt. Cenon Pancito III sa Bombo Radyo kung saan sinabi nito na kabilang sa mga opisyal ang mula sa barangay.

Tumanggi ang opisyal na magbigay ng eksaktong impormasyon at kung sinong mga opisyal pa ang kasali sa kanilang iniimbestigahan.

Sa ngayon patuloy daw ang kanilang koordinasyon sa Philippine National Police at iba pang law enforcement agencies para sa pangangalap ng impormasyon.

Nagbabala naman si Pancito sa mga opisyal na tigilan ang ano mang suporta na kanilang binibigay sa mga rebelde dahil tiyak na sasampahan ng kaso ang mga ito kapag napatunayan sa imbestigasyon.