-- Advertisements --
Nagdeklara ng nationwide emergency ang gobyerno ng Lithuania dahil sa pagsakop ng weather balloons ng katabing bansa na Belarus.
Kinondina ni Prime Minister Inga Ruginiene ang balloon incursion na tinawag nitong isang uri ng hybrid attack ng Belarus.
Nagdudulot ito ng pangamba sa seguridad at civil aviation.
Itinanggi naman ni Belarusian leader Alexander Lukashenko ang nasabing alegasyon at inakusahan ang Lithuania na pinupulitika sila .















