Inalis na ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang kanilang liquor ban simula noong Biyernes, Oktubre 15.
Ito ay matapos na maibaba sa Alert Level 3 ang quarantine status sa National Capital Region mula sa dating Alert Level 4.
Ang pagtanggal sa liquor ban ay nakasaad sa City Ordinance No. 2021-56 na nilagdaan ng City Council at ni Navotas City Mayor Toby Tiangco.
Nagdesisyon ang LGU na bawiin ang naturang ban matapos sabihin naman ng Department of Health na mayroong nang naitalang general decrease sa bilang ng active COVID-19 cases sa Metro Manila.
Dahil sa desisyon na ito ng LGU, maari na ulit magbenta at bumili ng alak sa loob ng lungsod.
Pero iginiit ni Tiangco, na ang pag-inom sa mga pampublikong lugar ay ipinagbabawal pa rin sa ilalim naman ng Municipal Ordinance 2002-06.