-- Advertisements --
Bumandera ang pangalan nina Lionel Richie, Katy Perry sa ilang mga napiling magtanghal sa coronation ni King Charles III sa susunod na buwan.
Kabilang sa inanunsiyo ng Buckingham Palace na magtatanghal ay sina Andrea Bocelli, inger-songwriter Freya Ridings, Welsh bass-baritone Bryn Terfel, at classical-soul composer Alexis Ffrench.
Itinuturing ni Richie na isang karangalan ang magtanghal sa nasabing coronation.
Ang nasabing coronation ni King Charles III ay dadaluhan ng mga iba’t-ibang lider ng bansa na magsisimula sa Mayo 6 sa Westminster Abbey.