-- Advertisements --
PNR

Isasara na ang linya ng Philippine National Railways (PNR) na nagdudugtong sa Metro Manila at Laguna simula Linggo, Hulyo 16, para bigyang-daan ang North-South Commuter Railway (NSCR) project.

Ayon sa PNR, nasa 2,000 pasahero ang maaapektuhan ng pagsasara ng linya ng Alabang-Biñan.

Noong Hunyo 2023, inihayag ng PNR na ang araw-araw na biyahe sa rutang Alabang patungong Calamba ay ihihinto simula sa Hulyo 2 dahil sa pagtatayo ng NSCR.

Kabilang sa mga apektadong istasyon ang Muntinlupa, San Pedro, Pacita Main Gate, Golden City, Biñan, Sta. Rosa, Cabuyao, Mamatid, at Calamba.

Samantala, binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang tatlong ruta para sa mga operator ng public utility vehicle, mga bus at modernong jeep, para matulungan ang mga commuters na apektado ng pagsasara ng ilang istasyon ng PNR.

Ang pagtatayo ng NSCR, ay inaasahang tatagal ng humigit-kumulang limang taon hanggang 2028.