-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Naging katangi-tangi ang pagsisimula ng Linapet Festival sa Besao, Mountain Province kaninang umaga.

Nagsimula ang aktibidad sa Barangay Gueday kung saan nakiisa ang mga residente at komunidad sa “linapet-making” process.

Naihanda rin ang dokumentasyon ng Gueday stone calendar na maituturing na importanteng bahagi ng cultural property sa tulong ng mga kinatawan ng National Museum.

Nagagawa ang Linapet sa pamamagitan ng bigas na may mani at babalutin ng dahon ng saging.

Nagluluto ang mga residente ng linapet at binibigay nila ito sa kanilang pamilya at kaibigan habang ipinagdiriwang ang nasabing festival.

Samantala, sesentro sa crafts at folk arts ang selebrasyon ng Creative Arts Festival 2019 sa Baguio City.

Tuloy-tuloy ang paghahanda ng lokal na pamahalaan at ng pribadong sektor sa nabanggit na aktibidad na magaganap sa ika-16 ng Nobyembre hanggang 24.

Layunin nito na ipakita ang mayaman na kultura at arts sa Lungsod ng Baguio.

Alinsunod sa okasyon ang pagkilala sa siyudad bilang Creative City sa pamamagitan ng United Nations Educational, Scientific at Cultural Organization (UNESCO) Creative Cities Network.

Papangunahan ito ng Baguio Arts and Creative Collective, Inc.