-- Advertisements --

Hindi umano praktikal ang paghihigpit ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases sa bilang ng mga papayagang dumalo sa mga aktibidad ng simbahan sa ilalim ng adjustments sa community quarantine.

Sa isang panayam, nilinaw ni Manila Archdiocese Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na welcome sa kanilang hanay ang mga bagong panuntunan sa pagsisimba.

Pero tila hindi raw patas na lilimitahan lang sa lima hanggang 10 tao ang pwedeng pumasok sa mga simbahan.

Pinayagan na kasi ng IATF na pumasok ang 50-percent ng workforce sa ilalim ng modified enhanced community quarantine.

Sana raw ay kinonsulta muna ng task force ang Simbahang Katolika sa desisyon nito para sa religious gatherings.

Hanggang ngayon hinihintay pa rin daw ng Manila Archdiocese ang guidelines na kanilang isinumite sa Department of Health para sa IATF.