-- Advertisements --

Naging matagumpay ang kauna-unahang iteration ng Multilateral Maritime Exercises ng Armed Forces of the Philippines, United States Indo-Pacific Command, at French Navy sa bahagi ng West Philippine Sea.

Ito ay kasunod ng limang araw na pagkakasa ng naturang aktibidad na bahagi pa rin ng nagpapatuloy na Balikatan Exercises 2024 sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, kasama ang iba pang mga kaalyadong bansa.

Ayon kay Combined Joint Information Bureau, chief LtCol John Paul Salgado, nagtapos ang naturang pagsasanay sa isang serye ng demonstration kabilang na ang pagsasagawa ng Photo Exercise na nagpapakita ng kanilang propesyonalismo at koordinasyon sa isang simulated formation sailing scenario, at documenting operation Sa pamamagitan ng maayos na photographic techniques para sa military purposes.

Bukod dito ay nagsagawa rin ang kalahok na militar ng Surface Gun Exercise Kung saan sinubok ang kanilang live-fire capabilities and communication skills.

Sabi ni LtCol Salgado, ang ikinasang kauna-unahang Multilateral Maritime Exercises na ito ay nagbibigay sa mga kalahok na bansa ng kaalaman at expertise na magpapalakas pa sa kapabilidad ng mga Naval Forces ng mga ito.

Sa pamamagitan aniya nito ay mas napaigting pa ang kahandaan at interoperability ng ng mga kalahok na bansa para sa pagtugon ng sa anumang maritime domain challenges.

Magugunitang isinagawa ang naturang aktibidad mula noong Abril 25, 2024 hanggang Abril 29, 2024 na nilahukan naman ng BRP Ramon Alcaraz, at BRP Davao Del Sur ng Philippine Navy, gayundin ng USS Harpers Ferry ng United States Navy, at ang FS Vendemiaire ng French Navy.