-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Lima sa pitong atletang pinoy ang nag wagi ng gintong medalya sa nagpapatuloy na sea games 2019.

Kabilang sa mga nag wagi ng gold medal ay sina Divine Masado ng 48kgs womens wushu sanda, Jessie Aligaga ng 48kgs mens sanda, Arnel Mandal ng 52kgs mens sanda, Francis Solis 56kgs mens sanda at Clemente Pabatang ng 65kgs mens sanda.

Naging matagumpay ang limang pinoy wushu athletes dahil sa walang sawang suporta ng kanilang mga fans na sumubaybay sa kanilang laban.

Samantala, matutunghayan bukas ng hapon ang boxing match ni Cagayanon boxer na si Carlo Paalam laban kay Khamsathone Nang ng bansang Laos.

Magaganap ang kanyang match sa PICC para sa kanyang 49kgs Light Flyweight match.

Ayon pa kay Carlo, 100% nang handa ang kanyang katawan at ng kinailangan pa nitong mag reduce ng kanyang timbang upang makamit ang 49kgs desired weight para sa kanyang laban.

Pagkatapos ni Carlo, dalawang babaeng boxers naman na kinabibilangan nila Josie Gabuco ay lalaban kay Raksat Nang Tha para sa 46kgs at Aira Villegas laban kay Vongpachan ng bansang Lao para sa 48kgs.