-- Advertisements --

Inihayag ng Philippine Navy na welcome ang anumang like-minded countries na lumahok sa mga susunod na ikakasang joint patrols ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ito ang sinabi ng naturang hukbo kasunod ng Pinakahuling Multilateral Maritime Cooperative Activity na isinagawa ng Pilipinas sa WPS kasama ang Japan, Australia, at Estados Unidos.

Ayon kay PH Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commo. Roy Vincent Trinidad, marami pa ang nakahanay na mga aktibidad na navy-to-navy engagements ngayon at welcome aniya ang iba pang mga bansa na lumahok dito.

Aniya, bahagi ito ng mas pagpapalakas pa sa kapabilidad ng Hukbong Sandatahan kasabay na rin ng pagtataguyod pa sa stability sa West Philippine Sea.

Samantala, sa kabilang banda naman ay Inihayag ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na ang mga aktibidad na ito ay layunin din na magsilbing resolute statement of unity ng ating bansa sa muling pagbibigay-diin ng ating pagsunod sa International law.

Kung maaalala, ang ginanap na Multilateral Maritime Cooperative Activity ng Pilipinas, Japan, Australia, at Estados Unidos ay ang kauna-unahang joint maritime exercises na isinagawa sa western section ng exclusive economic zone ng ating bansa.