Nagsagawa ng ocular inspection ang mga opisyal ng Comelec sa lugar kung saan itatayo ang proposed Comelec Main Office Building Complex sa Pasay City.
Pinangunahan ito ni Chairman George Erwin Garcia, habang naroon din ang ilang commissioners ng poll body.
Una nang nangako si Garcia na sisikapin nilang magkaroon ng sariling gusali ang komisyon, para hindi nagumastos ng malaki para sa renta.
Aabot sa P8.2 billion ang ilalaan para magkaroon ng permanenteng tanggapan ang Comelec, mula sa dalawang ektaryang lote nila na nasa Pasay City.
Sa ngayon kasi ay nagbabayad ng malaking halaga ang Comelec para 5th, 7th at 8th floor ng Palacio Del Gobernador sa Intramuros, Manila.
Nabatid na may inihanda nang disenyo para dito, kaya pondo na lang ang kanilang hihintayin.