Inihayag ni U.S. President Donald Trump na napatay sa isang military strike ng Estados Unidos si Hector Rusthenford Guerrero Flores o “Niño Guerrero,” ang lider ng Venezuelan prison gang na Tren de Aragua.
Ayon kay Trump, isinagawa ng U.S. Southern Command ang mabilis at koordinadong operasyon katuwang ang mga awtoridad ng Venezuela.
Kinumpirma rin ni Defense Secretary Pete Hegseth na nasawi si Guerrero sa naturang opensiba. Sinabi naman ng information ministry ng Venezuela na nagkaroon ng sagupaan sa mga miyembro ng mga grupong kriminal at napatay si Guerrero sa operasyon na isinagawa sa tulong ng intelligence sharing at specialized technology ng dalawang bansa.
Matagal nang pinatawan ng U.S. ng sanctions si Guerrero at iba pang lider ng Tren de Aragua dahil sa umano’y pagkakasangkot sa drug smuggling, human trafficking, at money laundering. Itinuturing din ng U.S. State Department ang grupo bilang isang foreign terrorist organization.
Nakatakas si Guerrero mula sa Tocorón prison sa Venezuela noong 2023 kasama ang iba pang lider ng grupo.















