-- Advertisements --

Inamin ng isang prominenteng pro-democracy activist sa Hong Kong na umalis na ito sa lungsod dahil sa takot para sa kaniyang sariling buhay.

Ito’y matapos humarap ni Nathan Law sa U.S. Congress upang magbigay ng karagdagang impormasyon hinggil sa national security law ng China.

Nanawagan naman si Law sa mamamayan ng Hong Kong na ipagpatuloy ang pakikipaglaban para sa kanilang karapatan. Hinikayat dion ng aktibista ang ibang bansa na maging mapagmatyag sa expansion ng authoritarianism ng Chinese Communist Party.

Dagdag pa ni Law, noon pa man ay nakahanda na siyang umalis ng Hong Kong nang mapahgdesisyunan nito na tumestigo sa US Congress.

Hindi naman ito nagbigay ng impormasyon tungkol sa kaniyang kinaroroonan ngunit sinabi nito na magpapatuloy pa rin ang kaniyang adbokasiya sa labas ng rehiyon.

Noong Miyerkules nang humarap si Law sa US House of Congress via video link kung saan isiniwalat nito ang human rights situation sa Hong Kong kasunod ng pagpapakilala sa kontrobersiyal na national security law sa naturang teritoryo.

Si Law ay isa sa mga pinuno ng 2014 Umbrella Movement na humikayat sa mga kabataan upang makiisa sa democratic elections.