-- Advertisements --
libya attack 2

Umatras na ang ang gobyerno ng Libya mula sa military committee talks sana nito kasama ang United Nations sa Geneva.

Nagbunsod ang desisyon na ito matapos muling atakihin ng grupo ni Khalifa Haftar ang Tripoli.

Sa inilabas na pahayag ng Government of National Accord (GNA), inanunsyo ng presidencial council nito na pansamantalang hindi makikipagtulungan ang GNA sa nakatakdang ceasefire talks dahil sa nasabing pag-atake.

Kahapon lamang nang simula ng UN-recognized government at grupo ni Hafter ang ikalawang pagpupulong para masolusyonan ang patuloy na pag-atake sa bansa.

Ngunit sa kabila nang nasabing pagpupulong ay muling nilabag ni Haftar ang ilang bagay na napagkasunduan sa ceasefire talk.

Ayon sa presidencial council, importante para sa kanilang mamamayan ang Port of Tripoli dahil ginagamit ito upang hatiran ang mga ito ng pagkain at gamoot.

Binigyang-diin din nito na kung nais talaga ng international community na magkaroon ng matibay na gobyerno ang Libya ay dapat lamang na magkaroon na ng desisyon hinggil sa cease fire.

Aniya, kung patuloy raw na magiging delikado ang bansa para sa sarili nitong mamamayan ay walang kwenta pa kung itutuloy ang cease fire talks.