-- Advertisements --
NLEX

Libre ang toll fee para sa mga manonood ng FIBA 2023 na dadaan sa North Luzon Expressway bago ang pagbubukas ng naturang turneyo mamayang gabi.

Batay sa abiso ng naturang tanggapan, hindi na sisingilin ng toll fee ang mga manonood ng FIBA Basketball World Cup 2023 na dadaan NLEX papasok ng Ciudad de Victoria.

Epektibo ito ngayong 12 ng tanghali hanggang 3:00 mamayang hapon.

Para naman sa mga RFID users na dadaan sa Ciudad de Victoria Northbound Exit Plaza, matatanggalan pa rin sila ng toll fee pero ibabalik din sa account ng mga users, matapos ang system verification.

Una nang nagbigay-abiso ang pamunuan ng NLEX ng tiyak na pagbigat ng trapiko, dahil sa inaasahang pagdagsa ng libo-libong mga manunuod sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.