-- Advertisements --
Tinanggal na ni Pope Francis ang libreng paninirahan ng mga cardinals sa Vatican.
Ayon sa Santo Papa na dahil sa nararanasang krisis sa ekonomiya ay kailangan din ng magsakripisyo sila.
Kasama rin na tinanggal ng Santo Papa ang pagbibigay ng diskuwento sa mga nirerentahang tirahan ng mga opisyal ng Vatican.
Binigyang halaga nito ang pagsasakripisyo para mabigyan ng mas maraming pondo ang misyon ng simbahan.