-- Advertisements --
mmda logo

Posibleng matatapos na ang konstruksyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa bagong Motorcycle Riding Academy nito sa ikatlong quarter ng kasalukuyang taon.

Ayon kay MMDA Acting Chairperson Don Artes, makakatulong ang Motorcycle Riding Academy para madisiplinahan ang mga motorcycle riders sa bansa,

Tugon ito aniya ng MMDA upang mabawasan ang napakataas na aksidente sa kalsada na kinasasangkutan ng maraming mga motorsiklo.

Ayon kay Artes, magiging libre ito at bubuksan sa publiko, para sa sinumang nagnanais matutong magmotor o matuto sa mga alituntunin sa pagmomotor.

Kabilang aniya sa mga ituturo ay ang mga sumusunod: refresher course sa traffic rules laws, disiplina sa kalsada, riding skills, at basic response sakaling magkaroon ng emergency.

Makakatanggap naman ng certificate at badge ang lahat ng magtatapos sa libreng akademya ng MMDA.