-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Libo-libong mga deboto ni Sr. Sto. Niño de Kalibo ang dumalo sa pilgrim’s mass na pinangunahan ni His Excellency Most Reverend Jose Romeo O. Lazo, D.D., Archbishop of Jaro, Iloilo sa huling araw ng week-long celebration ng Sr. Sto. Niño Ati-Atihan Festival 2023 sa bayan ng Kalibo, Aklan.

Sa kaniyang homiliya, binigyan diin nito ang mga kaganapan at kabanalan ng Batang Hesus kung saan, inihalintulad niya ang paghahanap kay Niño Hesus sa mga aktibidad na ginaganap tuwing kapyestahan at kung paano ito isabuhay.

Ang pilgrim’s mass ay isa sa mga highlights ng kapyestahan ni Sr. Sto. Niño de Kalibo kung saan, dinadaluhan ito ng mga deboto mula pa sa iba’t ibang lalawigan at maging mga balik-bayan gayundin mga dayuhang turista.

Pagkatapos ng banal na misa ay ang muling pagsadsad (merrymaking) ng iba’t ibang kalahok na tribes and groups upang maipakitang muli ang kanilang mga ipinagmamalaking custome at sayaw sa mga pangunahing kalsada sa bayan.