-- Advertisements --
Itinakda sa Biyernes ang libing ni Russian oppositon leader Alexei Navalny.
Kinumpirma ito ng tagapagsalita nito na gaganapin ito sa Borisovskoye Cemetery pagkatapos mismo ng farewell service sa simbahan sa Moscow.
Sinabi naman ng kaniyang asaw na si Yulia na hindi niya tiyak kung magiging mapayapa ang libing dahil tiyak na may mga pulis na aaligid para mang-aresto.
Hanggang sa ngayon aniya ay hindi pa malinaw kung paano nasawi si Navalny habang ito ay nakakulong kung saan naniniwala ang mga ito na si Russian President Vladimir Putin ang may pakana ng pagkasawi niya.










