-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Pinasalamatan ng local government unit (LGU) General Santos ang Bombo Radyo Philippines sa planong pagbili ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine.

Ito ang sinabi ni GenSan City Administrator Atty. Arnel Sapatos na wala pang private company dito sa lungsod na mayroong inisyatiba na bibili ng bakuna para sa mga empliyado.

Sasabihin umano nito kay Mayor Ronnel Rivera na nangunguna sa listahan ang Bombo Radyo para makatulong sa pagbili ng bakuna.

Sinabi din nito na laman ng Executive Order number 48 na pinirmahan ng Mayor na lahat ng kompanya ang gagawa ng komitiba bilang partner sa patuloy na pakigpaglaban sa pandemya.

Napag-usapan din sa meeting ng IATF noong buwan ng Disyembre na manguna ang mga occupational at safety officer ng mga kumpanya para tumulong sa vaccination campaign at iba pang gawain.

Malaki ang maiambag ng Bombo Radyo sa information dessimanation para hinde matakot sa bakuna.

Nalaman na naglaan ng P200 million ang LGU para sa pambili ng bakuna.