CENTRAL MINDANAO- Namahagi ng relief goods ang lokal na pamahalaan ng Northern Kabuntalan Maguindanao sa mga sibilyan na lumikas sa probinsya ng Cotabato.

Ang pagtulong sa mga bakwit mula sa kalapit bayan ng Midsayap North Cotabato ay inisyatibo nina Northern Kabuntalan Maguindanao Mayor Datu Ramil Dilangalen at Vice-Mayor Mary Jean Bayam.

Matatandaan na lumikas ang mga residente ng Barangay Malingao Midsayap Cotabato dahil sa presensya ng mga armadong grupo.

Kapwa umano may kinaaanibang Moro Fronts ang dalawang pamilya kaya armado ito ng matataas na uri ng armas.

May ilang mga residente na rin ang nasawi at nasugatan sa gantihan ng magkalabang pamilya.

Lumikas ang ilang pamilya patungong Northern Kabuntalan Maguindanao kaya agd silang tinulungan ng mag-asawang Alkalde at Bise-Alkalde.

Una nang namigay ng ayuda sa mga bakwit ang LGU-Midsayap at si dating Board Member Rolly Sacdalan.

Sa ngayon ay inaayos na ang tensyon ng magkalabang grupo sa Brgy Malingao sa bayan ng Midsayap Cotabato.