-- Advertisements --

Nanawagan ang Malacanang mga Local Government Units (LGU) na magpasa ng ordinansa para maparusahan ang mga magbebenta ng kanilang COVID-19 vaccination slots.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na kapag naipasa na ang nasabing ordinansa ay mayroon na silang legal na pagbabasehan para maparusahan ang sinumang gagawa ng nasabing hakbang.

Reaksyon ito ni Roque kasunod ito ng pag-iimbestiga na ng NBI sa bentahan ng mga vaccination slot para agad silang maturukan ng COVID-19.

Nauna na ring iginiit ni COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon na ang kanilang paparusahan ang sinumang magbebenta ng kanilang mga vaccination slot.