-- Advertisements --

Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic Remulla na tinatrabaho na ng pamahalaan ang pagbuo sa mga legal at mga diplomatic steps para matiyak ang pagbabalik-bansa ni dating Ako Bicol Representative Zaldy Co matapos na maaresto sa Czech Republic nitong Huwebes.

Ayon kay Remulla, pansamantalang nakaditene sa isang immigration detention facility si Co matapos na tangkaing tumawid ng Czech mula sa France at maiulat bilang undocumented foreign national sa naturang bansa.

Sa ngayon, pokus ngayon ng pamhalaan ang pagbuo ng mga plano na siyang magagamit para mapabalik ng bansa ang dating kongresista sa lalong madaling panahon isa na sa mga hakbang na ito ay ang patuloy na pakikipaugnayan ng pamahalaan sa Prague para sa posibilidad ng deportation o ang pagisyu ng red notice.

Sa kasalukuyan, inaalam pa kung mayroong extradition treaty ang Pilipinas sa naturang bansa habang pinangungunahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pakikipagugnayan sa mga otoridad para mas mapabilis na maibalaik ang kongresista sa bansa.