-- Advertisements --
Pananatilihin at uunahin daw ni Lakers superstar LeBron James ang kanyang pangangatawan na injury free habang siya ay naghahanda para sa darating na 20th season ng National Basketball Association (NBA).
Ang 37-anyos na player ay muling mangunguna sa bagong kampanya ng Lakers na makarating sa play-offs matapos na mabigo noong nakaraang taon ang kanilang koponan.
Una rito, nakapasok si James bilang second place sa regular season points scoring standings at naungusan pa ng pwesto ang NBA great na si Karl Malone.
Samantala ang mga NBA teams ay magsisimula na sa kanilang training camps bago ang simula ng season sa sunod na buwan. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)