-- Advertisements --

Kinilala ng Forbes magazine si Los Angeles Lakers star LeBron James bilang kauna-unahang active NBA player na bilyonaryo.

Ayon Forbes na mayroon ng mahigit $1-bilyon ang net worth ni James matapos na kumita ng mahigit $121-M noong 2021.

Base sa pagtaya ng Forbes na mayroong $385-M na kita si James sa on-court sa kaniyang 19-taon sa paglalaro sa mga koponan ng Lakers, Cleveland Cavaliers at Miami Heat.

Kumita rin ito ng $900 milyon mula sa off-court gaya ng mga product endorsement.

Isa ring nagpataas ng kaniyang kita ay noong inilabas ang pelikula nitong “Space Jame” A New Legacy” na mayroong mahigiti $162-M na kita sa buong mundo.

Nakatakda rin itong magrenew ng kontrata sa Lakers sa susunod na season na nagkakahalaga ng $44.5-M.

Noong 2021 ay ibinunyag ni James na interesado ito ng maging share holders ng NBA.