-- Advertisements --
Nagtala ng kasaysayan si Los Angeles Lakers star LeBron James matapos na maabot nito ang 38,000 points sa kaniyang career.
Nakamit nito ang recrod ng maipasok ang bola sa unang quarter ng laban nila sa Philadelphia 76ers.
Siya lamang ang pangalawang manlalaro sa NBA na nagtala ng nasabing puntos.
Unang nakapagtala kasi si dating Lakers star Kareem Abdul-Jabbar na mayroong 38,387 na nakamit sa 1,560 na laro sa mahigit 20 seasons.
Nasa 1,399 games pa lamang si James sa kaniyang ika-20 season.