-- Advertisements --

Hinirang ang Laker’s player na si LeBron James bilang kauna-unahang manlalaro na nakapagkamit ng bagong record at nakapagtala ng 40,000 career regular-season points sa larangan ng NBA.

Natamo niya ito sa pangalawang quarter na laro ng Los Angeles Lakers laban sa Denver Nuggets kahapon, March 2, 2024, at tuluyang naungusan ang dating nangungunang player na si Kareem Abdul Jabbar na may career points na 38,387.

Sa kabila ng magkasunod na time-out, nagkaroon din ng isang maikling seremonya at video na nagpapakita ng suporta at pagkilala sa mga nakamit ng nasabing player.

Kinikilala si LeBron James bilang isa sa oldest player, kasabay ng patuloy nitong pagpapakita ng kahusayan sa larangan ng basketball.