-- Advertisements --

Patuloy na bumaba ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa kabila ng matinding buhos ng ulan sa mga nakalipas na araw.

Hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga, ang water level sa Angat Dam ay nasa 159.15 meters, batay sa datos mula sa Pagasa.

Mas mababa ito kung ikumpara sa 159.45 meters na naitala sa kaparehas na oras kahapon, Hulyo 13.

Samantala, ang lebel naman ng tubig sa La Mesa Dam ay bahagyan tumaas ngayong araw.

Kaninang alas-6:00 ng umaga, nasa 72.26 meters ang water level sa La Mesa Dam, mas mataas ng bahagya kumpara 72.16 meters na naitala sa kaparehas na oras kahapon.

Karamihan sa supply ng tubig sa Metro Manila ay nanggagaling Anat at La Mesa dams.