-- Advertisements --
Tumaas ng .45 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam at inaasahang lalampas sa target na elevation nito na 212 meters bago matapos ang taon.
Naitala ng Metropolitan Water Works and Sewerage System (MWSS), ang lebel ng tubig sa Angat sa 210 meters.
Ayon kay MWSS division manager Patrick Dizon, inaasahang lalampas ang lebel ng tubig sa Angat dam kung isasaalang alang ang sama ng panahon na makakatulong sa pagdagdag ng tubig sa watershed nito.
Matatandaang, ayon sa sa Bombo Weather center, ang shear line ay inaasahang magdadala ng mga pag-ulan sa maraming lugar sa bansa.
Sinabi ni Dizon na ang pag-ulan ay magtitiyak ng sapat na tubig sa reservoir bago ang inaasahang epekto ng El Niño phenomenon.