-- Advertisements --

Magkaiba ang pananaw ng mga mambabatas hinggil sa usaping pagmamay-ari ng semi-automatic rifle ng mga sibiliyan.

Para kay Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, hindi siya pabor na magmamay-ari ng baril ang sibilyan.

Reaksiyon ito ng mambabatas ng tanungin kaugnay sa pag amyenda ng PNP sa kanilang Implementing Rules and Regulations (IRR) na maari ng mag-may-ari ng semi automotic rifle ang mga sibilyan.

Ayon kay Adiong dapat mapag-aralan ito ng mabuti dahil hindi ma afford ng bansa na magkaroon ng insidente ng mass shooting gaya sa nangyayari sa Amerika.

Aminado ang mambabatas na hindi siya gun enthusiast, kaya sa kaniyang pananaw na mali na magmamay-ari ng baril ang sinuman.

Ang pagkakaroon ng baril ng mga indibidwal ay posible magresulta ng mga insidente ng pamamaril at krimen.

Nais ng Kongresista ang isang mas mahigpit na polisiya sa pagmamay-ari ng mga baril ng sa gayon ma regulate ang paglaganap ng mga hindi lisinsiyadong mga baril na nagagamit sa ibat ibang krimen.

Dapat din higpitan ang regulasyon sa gun ownership.

Sa panig naman ni Rep. Patrick Michael Vargas dapat maging responsible gun owner lalo ang mga magmamay-ari ng semi automatic rifle.

Ayon naman kay Rep. Margarita Nograles kumpiyansa ito ang ang hakbang ng PNP ay masusi nilang pinag-aralan ito kaya dapat maging responsible gun owner ang mga nais na magkaroon ng armas.

Samantala, papayagan na ng PNP na magmay-ari ang mga sibilyan ng semi-automatic rifles matapos ang ilang pag-amyenda sa IRR ng Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.