-- Advertisements --

Nagbabalik na sa Las Vegas para magsagawa ng kaniyang show si Adele.

Ayon sa singer na magsisimula ang show sa darating na Nobyembre 18.

Ang nasabing show ay gagawin matapos ang 10 buwan ng ito ay kanselahin dahil sa COVID-19.

Nauna rito ay binatikos ang British singer noong Enero dahil sa biglaang pagkansela ng nasabing show kung saan nagalit ang mga fans na gumastos pa patungong Nevada.