Isinusulong ni Las Piñas Rep. Camille Villar ang pagtatatag ng isang nationwide program na magbibigay sa mga barangay sa buong bansa ng libreng access sa digital learning resources upang suportahan ang mga academic needs ng mga residente nito.
Sa ilalim ng House Bill No. 9581, o ang iminungkahing “E-books para sa Barangay Program Act of 2023,” nais ni Villar na pangunahan ng Department of Education (DepEd) ang nasabing gawain.
“The Philippine archipelago poses significant challenges in terms of providing equitable access to educational resources, especially in rural and marginalized communities. The limited physical library infrastructures, inadequate reading materials, and a lack of access to up-to-date digital learning tools exacerbate the situation,” dagdag pa ni Villar.
Binigyang-diin ni Villar na ang kaniyang panukala ay laoyong magtatag at maglunsad ng mga inisyatibo na naka disensiyo para ipromote ang digital literacy at i-improve ang access sa quality educational resources ng mga Filipinos.
Kabilang sa panukalang e-books barangay program ni Rep. Villar ay ang pagkakaroon ng digital library platform na siyang magbibigay na ligtas at organisadong database para sa digital learning resources, kabilang ang e-books, video lectures, simulations, at iba pang mga relevant materials.
Mamamahagi din ng mga electronic devices gaya ng tablets or e-readers, partikular sa mga lugar na limitado ang internet access.
Inaatasan din ang DepEd na mag-coordinate ng mga workshop at training program sa mga barangay para mapahusay ang digital literacy ng mga residente at paunlarin ang kanilang kakayahan sa paggamit ng electronic resources.
“We need to guarantee equal access to education and learning materials to everyone, especially those who live in far-flung areas. This proposal seeks to make this possible,” pahayag ni Villar.