Isinusulong ni Deputy Speaker at Las Pinas Representative Camille Villar ang pagtatayo ng mga childcare facilities malapit sa mga pampublikong paaralan.
Layon nito para makadama ng katiwasayan ang mga guro ng pampublikong paaralan na ang kanilang mga anak ay tumatanggap ng wastong pangangalaga habang sila ay nasa trabaho.
Inihain ni Rep. Villar ang House Bill No. 9582 na naglalayong magtayo ng mga learning facilities kung saan ang mga bata ay makakatanggap ng age-appropriate care and education mula sa mga qualified professionals.
Ang itatayong facilities ay hindi dapat malayo sa mga paaralaan kung saan ang mga guro ay nagtatrabaho.
Paglilinaw ni Rep. Villar ang nasabing chilkdcare facilities ay naka disenyo sa standards ng Department of Education, Social Welfare and Development at local government unit kung saan itatayo ang nasabing facilities.
Sinabi ni Villar upang matiyak na matuturuan ng mabuti ang mga bata sa school-based nursery at childcare facilities, ang mga supervise at magmonitor dito ay ang Department of Education (DepEd) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Dagdag pa ng Kongresista nakasaad sa panukalang batas na magsasagawa ng taunang evaluation ang DepEd at DSWD upang ma assess ang pagiging epektibo, affordability, at accessibility ng mga childcare facilities at matukoy kung ano pang kailangan na improvement delivery, and identify areas for improvement.
“This measure seeks to recognize the valuable role teachers play in molding future generations and to support their work-life balance effectively,” pahayag ni Rep. Villar.