-- Advertisements --

Sa harap nang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa buong mundo, umaapela ang isang grupo sa pamahalaan na paigtingin pa ang mga hakbang para maabot ang pagiging fuel self-sufficiency ng Pilipinas.

Sa pamamagitan ito nang pananaliksik at pagpapaunlad ng lahat ng maaaring pagkunan ng langis tulad ng pagpapalawak ng renewable energy sources at natural gas mula sa ilang lugar partikular sa West Philippine Sea.

Ayon kay BenCyrus Ellorin, convenor ng Pinoy Aksyon for Governance and the Environment, sa kabila ng demand at hirap ng pagkuha ng supply ng langis, hindi na kailangan pang maghanap ng pagkukunan nito kung saan abot-kamay ng bansa ang fuel sovereignty.

Aniya, kinakailangan lamang manindigan ang pamahalaan sa karapatan nito sa West Philippie Sea na maaaring pagkukunan ng supply ng langis at pigilan ang China sa panghihimasok sa exclusive economic zone ng bansa sa West Philippine Sea.

Giit pa ng grupo, mananatiling malakas ang demand ng langis pero hindi ito pangmatagalan kung saan mas lalo pang tataas ang pangangailangam nito sa bansa sa mga susunod na taon.

Dagdag pa ni Ellorin, bagama’t may malawak na pagkukunan ng langis sa West Philippine Sea, marami pa rin posibleng magamit bilang renewable energy ang bansa tulad solar, wind, hydro, biomass at tidal power sources na hindi naman apektado sa isyu ng geopolitics.