-- Advertisements --

KORONADAL CITY — Muling sinalanta ng baha at landlside ang bayan ng Lake Sebu, South Cotabato na nagresulta sa paglikas ng halos 20 pamilya.

Ayon kay Lake Sebu Mayor Floro Gandam, nagmula sa Sitio Trangkini, Barangay Lamlahak ang mfa lumikas na lubos na naapektuhan.

Dagdag pa ng alkalde, dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas ulan nagresulta ito sa pagguho ng lupa at muling pagbaha lugar kung saan muling nasira ang mga bagong ayos na tulay.

Maraming bahay din ang sinira ng landslide at isang backhoe ang natabunan ng lupa.

Matatandaan na noong nakaraang linggo, maraming barangay sa Lake Sebu ang binaha kung saan umaabot sa 800 indibidwal ang naapektuhan.