-- Advertisements --

Pinalawig pa ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng mga driver’s licenses at car registration ng isang buwan.

Ang hakbang ng ito ay kasunod na rin ng pananalasa ng supertyphoon Karding at ang isyu na rin sa pag-iral pa ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa LTO ang validity ng licenses na nag-expire noong August at nitong nakalipas na buwan ng September ay extended muna hanggang Oct. 31.

Sakop na rin nito ang mga student permits, driver’s license, conductor’s license at medical certificates.

-- Advertisement --

Samantala naman ang registration of vehicles na may plate numbers na nagtatapos sa “8” ay extended din hanggang Oct. 31.