-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nakukulangan ang provincial government patungkol sa naging rehabilitation performance ng Task Force Bangon Marawi na anim na taon nang naatasan ayusin at ipabangon ang nalugmok na kalagayan ng Marawi City dahil sa pag-atake ng Maute-ISIS terror group taong 2017.

Ito ang diretsahan na sagot ni Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong Jr sa katanungan ni Misamis Oriental 2nd District Congressman Bambi Emano kung nakuha ba nila ang satisfaction performance sa reconstruction at rehabilitation programs ng task force na binuo ng higit 50 national government agencies.

Sinabi kasi ni Emano sa harap ni Lanao del Sur 1st District Congressman Zia Adiong na nag-preside sa committee hearing..na dapat ipatawag ang lahat ng nagsilbing mga kalihim ng task force para maisa-isa ang output performance ng mga ito simula sa panahon na tina-trabaho ang Marawi City.

Magugunitang nagsimula na ang Marawi Compensation Board na i-proseso ang mga pamilyang Maranao na mabigyan ng kaukulang tulong-pinansyal at housing programs alinsunod sa batas na naglalayon para sa kanila.

Napag-alaman na bumagsak ng husto ang Marawi City dahil sa limang buwan na panggugulo ng mga terorista kung maraming buhay ng mga sibilyan at state forces ang nasayang noong Mayo hanggang Oktubre 2017.