-- Advertisements --

Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang lalaking suspek sa pananaksak ng apat na indibidwal noong Oktubre 29, sa isang pista sa Brgy. Dungguon, Danao City matapos ang isinagawang hot pursuit operation.

Nakilala ang suspek na si Mike Benitez Cruz, 20 anyos at residente ng Brgy. Puente, Carmen.

Bago ang insidente, binugbog ng grupo ng suspek na tinatawag na Pyahok ang biktimang si James Anthony Gomez bago sila nagkaengkwentro sa Brgy. Guinsay ng sabing lungsod.

Alinsunod dito, nagkaroon ng mini concert sa lugar ngunit maagang natapos dahil sa ulan.

Muli pang nakasalubong ng biktima ang grupo sa di kalayuan sa pinagdausan ng aktibidad.

Sa hindi malamang dahilan, bumunot ang suspek ng isang improvised na kutsilyo at sinaksak si Gomez na tinamaan sa kanyang tiyan.

Tinamaan din ng saksak sa tiyan ang isang kinilalang si Jaylord Bilonghilot, 16 anyos na nakatayo malapit sa biktima.

Kabialang din sa nadamay at nagtamo ng tama sa kaliwang dibdib at likod ay sina Peter John Esconde, 27 anyos at Andrey Bueno, 17 anyos matapos sinubukan ng mga ito na awatin ang grupo.

Matapos ang insidente ng pananaksak, tumakas ang suspek at ang kanyang grupo sa magkaibang direksyon.

Dahil dito, bumuo ng tracker team at humantong sa pagkaaresto ni Cruz.

Nahaharap ngayon ang suspek sa reklamong Frustrated Homicide at Less Seriously Physical Injuries.