-- Advertisements --

Nagsasagawa ng rescue operations ang Bureau of Fire Protections at mga otoridad sa Pasay City matapos ang pagkahulog ng isang lalaki sa kinukumpuni nilang septic tank sa isang Mall of Asia.

Sinabi ni Fire Superintendent Crossib Cante, Bureau of Fire Protection (BFP) Pasay City director, na bigla na lamang sumingaw ang isang bahagi ng septic tank na kanilang inaayos kung saan tatlo sa mga trabahor ang nahilo.

Nailigtas ang dalawa sa mga biktima at sila ay dinala na sa pagamutan habang ang isa ay nahulog sa kinukumpuni nilang septic tank.

Nangyari ang insidente pasado ala-1 ng madaling araw nitong Miyerkules.