-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang lalaki matapos di umano’y magpakamatay sa Purok 7, Sitio Tubo, Barangay San Ignacio, Ilagan City.

Ang nagpakamatay sa pamamagitan ng umanoy pagbaril sa sarili ay si Antonino Acosta Jr ,50 anyos, may-asawa, walang trabaho at residente ng nabanggit na lugar .

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa City of Ilagan Police Station, una silang nakatanggap ng impormasyon kaugnay sa insidente ng pagpapakamatay na kanilang tinugunan.

Sa paunang pagsisisyasat ng pulisya nasa loob umano ng bahay si Acosta at papalabas naman ang kanyang misis para maglaba nang makarinig ng kakaibang tunog mula sa loob ng kanilang bahay kayat dali-dali siyang pumasok sa kanilang bahay at doon tumambad ang katawan ng kanyang mister na naliligo na ng kanyang sariling dugo.

Nagawa pang isugod sa ospital ang lalaki ng mga tumugon na kasapi ng Rescue 1124 ngunit idineklarang dead in arrival ng kanyang attending physician.

-- Advertisement --

Nakuha ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente ng isang basyo ng bala ng 9MM pistol.

Wala pa namang malinaw na dahilan sa pagpapakamatay ni Acosta at patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya.