CAUAYAN CITY – Ikinulong ang isang lalaki matapos mag-amok at undayan ng taga sa mukha ang isang laborer sa Barangay Villa Coloma, Bagabag, Nueva Vizcaya.
Ang suspek ay si Omar Derillo, 48 anyos, may asawa, walang trabaho habang ang biktima ay si Francisco Dules, 58 anyos, may asawa, isang laborer at kapwa residente ng nababanggit na lugar
Lumabas sa pagsisiyasat ng Bagabag Police Station na papaalis na si Dules lulan ng kanyang motorsiklo nang dumating ang suspek na nag-aamok bitbit ang isang gulok at sa hindi malamang dahilan ay inundayan ng taga sa mukha ang biktima na kaagad tumakbo.
Kaagad tumugon ang mga pulis at inaresto ang suspek na dinala sa Bagabag Police Station para sa kaukulang Disposisyon.
Natuklasang lango sa nakalalasing na inumin ang pinaghihinalaan.
Mahaharap sa kasong frustrated homicide si Derillo.