NAGA CITY- Tuluyan ng binawian ng buhay ang isang lalaki matapos na mabangga ng truck sa Maharlika Highway sa vicinidad ng Brgy. Bukal Sur, Candelaria Quezon.

Kinilala ang biktima na si Danilo Lajota Magtani, 65-anyos, residente ng Sitio Labak 2, Poblacion, Candelaria, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office napag-alaman na makikita umano sa video na kuha ng CCTV camera habang binabagtas ng bisiklita na pinagmamaneho ni Magtani ang kahabaan ng nasabing daan na halos kasabayan ang truck na pinagmamaneho naman ni Alyas Ferdinand, residente ng Pulangi, Taft Eastern Samar.

Subalit pagdating sa bahagi ng Bukal Sur Elementary school habang palampas na ang bike sa isang controlled metal barrier ng mawalan ng kontrol ang biktima sa pinagmamaneho nitong bisiklita kung saan nahulog pa ito sa daan na nagin dahilan upang makapasok sa linya ng kasabayang truck at mabangga ito sa hulihang bahagi.

Dahil sa mga sugat na tinamo, kaagad na dinala sa ospital ang biktima pero pasado alas-9 noong Nobyembre 10, 2023 ng tuluyan na itong bawian ng buhay.

Sa ngunyan, patuloy pang pinaghahanap ang may-ari ng nasabing truck.