-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY- Kaso sa paglabag sa RA 8353(Anti Rape Law) /at RA 9165(Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002)/ang haharapin ng isang akusado na nakikilala sa pangalang si Jun Jun Sumbo Marcos, 25 taong gulang at residente sa Prk Nangka, Brgy. Tapon, Glan, lalawigan Sarangani

Ayon kay Brgy. Captain Ronald Canoy ng nasabing lugar, nakatanggap siya ng impormasyon na ginagahasa di umano ng suspek ang isang 25y/o, na residente rin sa nabanggit na lugar.

Agad namang nagsagawa ng operasyon ang otoridad na nagresulta sa pagkakahuli ng suspek .

Sa paghuli sa suspek ay narekober sa kanyang posisyon ang dalawang sachet ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

Batay naman sa imbestigasyon ng Glan Municipal Police Station na ang suspek ay nasa drug watchlist dahil sa pagbebenta ng illigal na drpga.

Samantala, inamin naman ng suspek na siya rin ang pumatay sa kanyang tiyuhin na kanyang tinaga matapos inamin sa kanya na nagkagusto sa kanyang asawa.

Nakakulong ngayon ang suspek sa nasabing na presinto.